6 gun for hire arestado

MANILA, Philippines - Nasakote ng mga otoridad ang 6 na miyembro gun for hire sa isinagawang operasyon sa bayan ng Santiago, Agusan del Norte kamakalawa.

Kinilala ang mga nasako­teng suspek na sina Kevin Badajos, Dennis Badajos, Rolly Samora, William Samora, Jerry Pitao, at Remark Alburo, mga residente ng Poblacion 1 ng bayang nabanggit.

Nasamsam mula sa mga ito ang dalawang homemade shotgun na may anim na bala, isang cal. 357 revolver, isang caliber 38, isang caliber 45 at isang MK2 handgrenade.

Ang mga suspek ay nasa­kote sa isinagawang operas­yon ng 7th Special Forces Company, 3rd Special Forces Battalion  ng Philippine Army at ng Santiago Police sa Purok 5, Brgy. San Isidro, Santiago ng lalawigan, bandang alas-9:45 ng umaga.

Show comments