‘Tirador’ ng cellphone,utas sa Parak

MANILA, Philippin es - Utas ang isang mister na sinasabing ‘tirador’ ng cellphone makaraang barilin ng isang pulis dahil sa umano’y pagtatangkang tumakas habang inaaresto sa Quezon City, kamakalawa ng hapon.

Nakilala ang biktima na si Jojo Soler, 36, may-asawa, walang trabaho ng Block 1, GK Espiritu Santo Village, Sitio Pajo, Baesa sa lungsod.

Ang pulis na sinasabing nakabaril at nakapatay sa biktima ay nakilalang si PO1 Johnny Boy L-Bauza, nakatalaga sa District Public Safety Batallion, Quezon City Police District.

Nangyari ang insidente sa GK Espiritu Santo Village, Brgy. Baesa, ganap na alas-3:00 ng hapon.

Ayon sa report, humi­ngi ng tulong sa pulisya si Erwin Balagtas na biktima umano ng robbery at tina­ngay ang kanyang cellphone. Agad naman nagsagawa ng follow-up operation ang mga awtoridad at natunton ang suspek, pero sa halip na sumuko ay nanlaban umano kaya siya binaril ng pulis.

 

Show comments