Sekyu napatay ng kabaro

MANILA, Philippines - Aksidenteng nabaril at napatay ng isang security guard ang kanyang kabaro matapos itong ma­baril ng shotgun na kanyang itina­tabi sa information center ng kanilang binabantayang kumpanya sa Quezon City kamakalawa.

Hindi na umabot ng buhay sa ospital ang biktimang si Emetrio Pacle Jr., 37, ng Baesa Road, Brgy. Baesa sa lungsod.

Naaresto naman ang suspek na si Roy Nayug, 30, may-asawa at residente sa 13 Reparo St., Bagong Barrio sa lungsod.

Batay sa ulat, dakong alas-7:45 ng gabi ay parehong naka-duty ang biktima at suspek sa binabantayang Sobida Motors Corporation na matatagpuan sa 49 Gen. Luis St., Brgy. Nagkaisang Nayon, Novaliches.

Dito ay inaayos ng suspek ang kanyang shotgun para itabi sa information counter ng kanilang tanggapan nang aksidente itong pumutok at tinamaan ang biktima na nagbabantay sa may main gate nito.

 

Show comments