Pasay City police balak magpapatupad ng ‘tanggal helmet’ sa mga motorcycle riders

MANILA, Philippines - Kung ipinatutupad ng Metro Manila Develop­ment Authority (MMDA) at iba pang ahensiya sa trapiko ang pagsusuot ng helmet ng mga motorcycle riders, plano naman ng bagong upong hepe ng pulisya ng Pasay City ang pagtatanggal ng helmet bilang bahagi ng kampanya laban sa mga “riding-in-tandem” criminals.

Ayon kay P/Sr. Supt. Rodolfo Llorca, pumalit kay Supt. Joel Villanueva, na plano niyang ilapit sa Sangguniang Panglungsod ng Pasay ang kanyang mung­kahi para sa posibili­dad na magpasa ng ordi­nansa ukol dito.

Ayon sa opisyal, malaki umano ang maitutulong para makilala ang hitsura ng mga motorcycle riders na dumaraan sa mga kal­sada ng Pasay lalo na iyong mga gumagawa ng krimen. 

Habang hindi pa ito naisasakatuparan, sinabi nito na mas palalakasin muna nila ang pagsasagawa ng “checkpoint” sa mga istratehikong lugar kontra sa mga kriminal at pagbisita sa bawat barangay para makuha ang “profile” o datos ng mga kilalang maton, pinaghihinalaang mga kriminal at drug pushers na kanilang isa­sa­ma sa impormasyon ng pulisya upang madaling matunton ang mga ito.

 

Show comments