Partylist ni Palparan,5 pa pinayagan ng SC

MANILA, Philippines - Pinayagan ng Korte Suprema ang partylist group  ni dating Army General Jovito Palparan at limang iba pa na makalahok sa halalan sa susunod na taon.

Sa katatapos na en-banc session ng mga ma­histrado noong November 20, 2012, nili­naw na ang pinalabas na status quo ante order noon ay sumasakop din sa mga grupong Bantay ni Palparan at sa party­list groups na Alliance for Nationalism and Democracy (ANAD), 1Brotherhood for Reform and Oneness-Philippine Guardians for Brother­hood Incorporated, Aga­pay ng Indigenous People’s Right Alliance (A-IPRA), Ako Agila sa Nagkakaisang Magsa­saka (AKO Agila) at 1 Ganap/Guardians.

Show comments