MANILA, Philippine s- Progressive taxation at hindi regressive taxation ang hiniling ng grupong Bukluran ng Manggagawang Pilipino sa Senado na sa halip na magpatupad ng bagong buwis ay dapat na magkaroon ang bansa ng bagong reporma sa pagbubuwis, na pabor sa mga mahihirap at hindi sa mayayaman.
Ito ang naging panawagan ng BMP matapos ang pagpipiket nila sa tanggapan ng Department of
Finance (DOF) at Senado kahapon ng tanghali, bilang protesta sa mga panukalang bagong buwis at reaksyon sa mga kontrobersya sa likod ng
buwis sa ginto, text messages at mga “sin products”.
Ayon kay BMP national president Leody de Guzman, minamadali ng gobyerno ang pagpapataw ng bagong buwis gayung ang kailangan ay bagong sistema ng pagbubuwis na mas pinapasan ng mga maykaya, hindi ng ordinaryong Pilipino.
“Sobra na! Maliit na nga ang sweldo; kinakaltasan pa ng withholding tax. At ang natitirang take-home pay kapag ipinambili ng pangangailangan ay papatawan pa ng 12% EVAT!” paliwanag ni De Guzman.
Nagkukumahog ang gobyernong Aquino na magdagdag ng bagong buwis imbes na ipataw ang status quo para sa malawakang pagrerebyu ng batas sa pagbubuwis sa bansa.