Ika-5 presidential award, ibinigay ng Palasyo sa SMI

MANILA, Philippine s- Ginawaran ng Malacanang ang kinontrata ng gobyerno para panukalang $5.9-B Tampakan copper-gold project sa South Cota­bato at Davao del Sur na Sagittarius Mines Inc. (SMI) ng ikalimang Presidential Mineral Industry Environmental Award kamakailan.

Ibinigay sa SMI ang award ni Mines and Geosciences Bureau (MGB) Director Leo Jasareno sa pagtatapos ng 59th Natio­nal Mine Safety and Envi­ronment Conference na ginanap sa Baguio City noong nakaraang linggo.Tinanggap din ang SMI ang naturang award noong 2006, 2009, 2010 at 2011.
Itinatag ng Malacañang ang parangal sa pamamagitan ng Executive Order No. 399 na nilagdaan ni dating Pangulong Fidel V. Ramos noong 1997 upang kilalanin ang inisyatiba ng mga kompanya sa pagmimina para protektahan ang kapaligiran at ekolohiya. Nakasaad din sa E.O. na ibibigay ang award sa mga kompanya na nagpakita ng katangi-tanging pagsisikap para ma­tamo ang operasyong ma­kakalikasan at responsable sa lipunan.

Show comments