Fastfood chain inisyuhan ng CDO ng LLDA

MANILA, Philippines - Isang sangay ng kilalang fastfood chain sa Shaw Boulevard, Pasig City ang inisyuhan ng Laguna Lake Development Authority (LLDA) ng Cease and Desist Order (CDO) dahil sa paglabag sa Clean Water Act.

Ayon kay LLDA Gen Manager and concurrent Secretary of Environmental Control Nereus Acosta, ilang ulit na nilang tinawagan ng pansin ang sangay ng KFC sa Pasig upang isaayos ang kanilang water treatment ngunit bigo itong makatugon sa kanilang standards.

Sinabi pa ni Acosta na  libu-libong mga establisimyento na ang nabigyan nila ng kahalintulad na notice of violation na dapat sana’y magsilbing hudyat upang ayusin ang kanilang waste water facilities.

Nilinaw din ni Acosta, na ang inilabas nilang CDO ay hindi para ihinto ang operasyon ng nabanggit na fast food chain kundi ang saklaw lamang nito ay ang  pagpapasara ng kanila mga water pipe lines upang hindi na ito makapaglabas ng tubig o waste na bagsak sa standards ng LLDA ang levels ng pollutants. Babala ni Acosta, wala silang magagawa kundi ang mag-isyu din ng CDO sa kahit na aling establisimi­yento na luma­labag sa Clean Water Act. “Yang ma­ruruming waste nila ay nagsisilbing pollu­tants o lason sa mga isda sa Laguna Lake na siya namang nag-susupply ng 60% ng isda na kinakain ng mga taga Metro Manila. Isa pa, tandaan natin na ang Laguna
Lake Fish industry ay isang multi-billion industry. Di dapat pabayaan itong malason ng mga waste mula sa mga restaurant o ibang establisimento.” ani Sec. Acosta.

Show comments