MANILA, Philippines - Sa unang pagkakataon isang pakarera ang inihandog ng Philippine Racing Commission (Philracom) para sa pamunuan ng Manila Police District Press Corps (MPDPC) sa San Lazaro Leisure Park (SLLP) sa Carmona, Cavite.
Ang MPDPC Cup ay isinabay sa malaking pakarera ng Philracom na Ambasador Eduardo “Danding” Cojuangco Jr. Cup na gaganapin sa araw ng Lingo (Nov. 18.) sa SLLP.
Sa tulong nina Philracom Chairman Angel Castaño Jr., at Racing Director Comm. Jesus Cantos, ang MPDPC Cup ay inilunsad upang makapangalap ng pondo para sa mga proyekto ng samahan ng mga mamamahayag na nagko-cover sa lungsod ng Maynila.
Napapaloob sa mga programa ng MPDPC ang medical mission, feeding program at scholarship para sa mga miyembro ng mga mamamahayag na walang kakayahan na magkapagpaaral sa kolehiyo ng kanilang mga anak.
Ito rin ang kauna-unahang samahan ng mga mamamahayag na nabigyan ng pakarera ni Castaño na isinabay pa sa Danding Cojuangco Cup na itinuturing na mahalagang pangyayari sa kanyang panunungkulan bilang chairman ng komisyon.
Si Castaño na dating chairman ng Board of steward sa panahon ng panunungkulan ni Amb. Danding Cojuangco sa Philracom na naging chairman ng komisyon.