Binata dinukot muna bago pinatay

MANILA, Philippines - Isa nang bangkay nang matagpuan ang isang 34-anyos na lalaki na ilang mi­nuto lang ang nakakalipas nang dukutin ng apat na lalaki sa isang karinderya kahapon ng madaling-araw sa Quezon City.

Ang biktima ay kinilalang si Aldrin Alfon, 34, binata ng Nawasa Line, Barangay Holy Spirit sa lungsod na nagtamo ng mga tama ng bala sa katawan. 

Batay sa ulat, alas-12:30 ng hatinggabi ay may ka­kwentuhan ang biktima sa isang karinderya sa nasabing lugar nang huminto sa tapat nila ang isang kulay silver na Toyota Vios (XPJ-946) at dito ay bumaba ang tatlong  kalalakihan na armado habang naiwan ang isang lalaki sa manibela.

Dito ay agad na tinutukan ng baril ng mga suspek ang biktima saka puwersahang isinakay sa kanilang sasakyan, at tinangay patungong Republic Avenue.

Makalipas ang ilang oras ay nakita niya ang naturang sasakyan na huminto sa harap ng Bethel Christian School na matatagpuan sa Orlina St., kanto ng Republic Ave­nue, Brgy. Greater Fair­view at pagbukas ng pintuan ay itinulak ang bik­tima at pi­nagbabaril. Nag­tataka naman ang pamil­ya ng biktima kung bakit pinaslang ito gayung wala naman umano silang nalalamang kaaway.

 

Show comments