Matandang dalaga natusta

MANILA, Philippines - Halos natupok ang isang 99-anyos na matandang dalaga matapos na masunog ang kanyang bahay dahil sa pagtumba ng gasera naganap kamakalawa sa Caloocan City.

Ang nasawi ay kinila­lang si Inocencia Oflada, dalaga, ng Sitio Matarik, Barangay 175 ng lungsod.

Sa pagsisiyasat ng pulisya, dakong alas-7:30 ng gabi ay kagagaling lamang ng biktima sa pagpapalimos.

Habang nagbibilang ng mga barya mula sa pinaglimusan gamit ang gasera ay natumba ito.

Dahil sa hindi makakilos ang  biktima sanhi ng sobrang katandaan ay hindi na ito nakalabas ng bahay at tuluyang natupok.

Tanging ang bahay lamang ng biktima ang natupok ng apoy dahil  sa malayo ito sa bahay ng mga kapitbahay.

Show comments