ABS-CBN Dir. nahulog sa bike, sugatan

MANILA, Philippines - Nagtamo ng sugat sa katawan ang managing director ng ABS-CBN makaraang mahulog sa bike na kanyang sinasakyan sa La Mesa dam sa lungsod Quezon, kamakalawa ng hapon.

Kinilala ang biktima na si Regina Paz-Lopez, 58, may-asawa at residente sa #25 Biak na Bato St., Ayala Heights sa lungsod.

Sa ulat ng Quezon City Police Station 5, nabatid na ang insidente ay naganap dakong alas-5:22 ng hapon sa Tower II La Mesa Dam, Brgy. Lagro, Quezon City.

Ayon sa report, nagbibisekleta ang biktima sa lugar nang aksidenteng dumulas ito at mahulog na siyang dahilan ng pagkakaroon ng sugat sa katawan.

Agad namang isinugod sa Far Eastern University hospital ang biktima, na ayon kay Dr. Azelea Superiano ay  nasa maayos ng kalagayan ang biktima at nilipat na sa St. Lukes hospital.

Show comments