Rapist todas sa shootout

MANILA. Philippines - Hindi na umabot ng buhay sa ospital ang suspek na si Jeneno “Baho” Udtohan ng Brgy. Poblacion, Compostela matapos itong masapul ng mga tama ng bala sa iba’t ibang bahagi ng katawan mula sa mga pulis nang manlaban ito at barilin ang hepe ng pulisya na si Sr. Inspector Jaime Tolentino na magsisilbi sana ng warrant of arrest sa kasong rape naganap noong Nobyembre 1 sa Brgy. Poblacion, Compostela, Cebu.

Nakaligtas sa tiyak na kamatayan si Sr. Inspector Tolentino, dahil sa suot na bullet proof vest.

Sa ulat bandang alas-10:45 ng gabi ay paparating pa lamang sa lugar ang mga pulis nang pagbabarilin sila ng suspek. Gumanti ng putok ang mga pulis at nasawi ang suspek.

Show comments