P-Noy nag-inspeksiyon sa NAIA

MANILA, Philippines - Mismong ang Pangulong Benigno Aquino III ang nagsagawa kahapon ng inspection sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) terminal 2 gayundin sa mga bus terminal sa Pasay City.

Layunin ng Pangulong Aquino na masigurong nailatag ng maayos ng mga concerned government agencies ang kanilang Oplan Undas para sa kaligtasan sa pagbiyahe ng mga pauwi sa kani-kanilang lalawigan para dalawin ang kanilang namayapang mahal sa buhay ngayong All Saints Day at All Soul’s Day.

Ngayong araw na ito ay dadalawin ng Pangulo kasama ang kanyang mga kapatid at kaanak ang puntod ng kanilang magulang na sina dating Pangulong Cory Aqui­no at dating Sen. Ninoy Aquino Jr. sa Manila Memorial Park.

Show comments