Explosive weekend card ang magtatapos ng UAAP Season 89 elimination round.
Sa Sabado sa Smart Araneta Coliseum, paglalabanan ng UP Fighting Maroons at NU Bulldogs ang No. 1 spot samantalang sabong ang La Salle Archers at FEU Tamaraws para sa playoff shot sa No. 2 slot kontra sa matatalo sa UP-NU tiff.
Naging mas exciting ang finish ng elims dahil di pinayagan ng La Salle at FEU na automatic makuha ng UP at NU ang top two spots at twice-to-beat semifinal incentive.
Tinalisod ng Archers ang Maroons, 88-80, samantalang binugbog ng Tamaraws ang Bulldogs, 85-63, last Sunday sa Big Dome.
At ito ang nag-arrange sa virtual playoff for No. 1 sa pagitan ng mga bata nina coaches Goldwin Monteverde at Jeff Napa.
Dahil sa kanilang panalo, nanatiling buhay ang twice-to-beat aspirations ng Archers at Tamaraws.
Ang mananalo sa salpukan nila sa Sabado eh haharapin sa playoff for No. 2 spot ang matatalo sa UP-NU clash.
Papasok sa penultimate playdate ng elims sa Miyerkules, out of the race na ang Ateneo, Adamson at UE.
Sisinghap-singhap ang Santo Tomas. Pero kung mailusot ang laro kontra Adamson, makakakuha ng playoff crack para sa No. 4 spot kontra sa matatalo sa labanang La Salle-FEU.
Sa Dec. 6, hahawiin ang tilon para sa Final Four – top seed versus fourth seed at No. 2 opposite No. 3.
Too close to call. Lahat ng five remaining teams eh may matinding kikig.