Marcelo bumandera sa Red Lions

MANILA, Philippines — Kinapitan ng defen­ding champion San Beda University ang mainit na laro ni rookie guard Daniel Marcelo upang itumba ang Mapua University, 61-57, sa NCAA Season 102 men’s basketball tournament kahapon sa Playtime FilOil sa San Juan City.

Sinindihan ng Fil-Ca­­na­dian guard ang mitsa ng ka­nilang opensa sa third period upang tulungan ang Red Lions na makaha­bol at makuha ang pang-wa­long panalo sa 11 laro.

Nagtala si Marcelo ng 16 points, tatlong rebounds at tatlong assists sa pagsos­yo ng Mendiola-based squad sa tuktok ng Group A kasama ang Jose Rizal University.

Nanindak kaagad ang Cardinals sa unang da­la­wang yugto matapos ma­­kalamang sa halftime, 30-23.

Biglang bumangis ang Red Lions sa third quarter sa likod ni Marcelo upang pangunahan ang 12-2 run at maagaw ang 35-32 abante.

Nagpatuloy ang pana­nakmal ng San Beda para sa 45-36 abante sa pagtatapos nito.

 

Show comments