MANILA, Philippines — Hangad ni Philippine Sports Commission (PSC) Chairman Richard Bachmann na madagdagan ang pondo ng ahensiya nito upang mas lalo pang mapalakas ang programa nito.
Kaya naman nanawagan ito sa mga mambabatas na siyang magiging kaakibat nito sa pagsusulong ng naturang plano.
Nais ng PSC na magkaroon ng sapat na pondo upang mas lalo pang mapalawak ang programa nito partikular na sa pagtuklas ng mga bagitong atleta.
“Based on partnerships, for congress, our legislators. You know, it is actively important to fund youth. In our mandate, I can only fund national training pool, and when it comes to youth we’re not allowed,” ani Bachmann sa programang Radyo Pilipinas.
Nais ni Bachmann na maisabatas ito para mabilis ang maging proseso sa paglalabas ng pondo.
“I want it done on paper. There should be law. We should be actively funding youth athletes because they are our future and if you look at it now the one that is performing is the youth,” ani Bachmann.
Bukod dito, plano rin ng PSC na maisama ang mga national sports associations sa mga bibigyan ng insentibo.
Sa kasalukuyang batas, tanging ang atleta at ang coach lamang nito ang binibigyan ng cash incentives.
“I want to include the National Sports Association (NSA) to be part of the incentive. I want to include some sports that require more than one coach. So that everybody in that group who actively act and supported that athlete in winning the gold, silver, or bronze medal have something to come home to, an incentive at least,” ani Bachmann.
Target din ni Bachmann na taasan ang monthly allowance ng mga atleta.
Ang isang bagong atleta ay tumatanggap lamang ng P10,200 kada buwan.
“That is something on the pipeline. Let’s face it you know, a new athlete actually earns 10, 200 pesos, and that is barely minimum wage, it’s like 300 pesos per day. Hopefully, with the help of our legislators, we can increase that as well,” aniya.