Antetokounmpo, Jokic namuno sa voting

NEW YORK — Pina­mu­nuan nina Milwaukee Bucks forward Giannis Antetokounmpo at Denver Nuggets center Nikola Jokic ang unang fan vo­ting returns para sa 2025 NBA All-Star Game.

Humakot si Anteto­kounmpo ng 1,710,630 votes para pamunuan ang Eastern Conference frontcourt talent, habang may 1,422,121 votes si Jokic para sa Western Confe­rence side.

Binanderahan ni Shai Gilgeous-Alexander ng Okalhoma City Thunder ang West guards sa kanyang 1,053,683 votes.

Binago ng NBA ang for­mat para sa 2025 matchup kung saan papa­li­tan ng isang four-team tournament ang lumang two-team system.

Ang apat na tropang pi­piliin nina NBA greats Shaquille O’Neal, Charles Barkley at Kenny Smith ay haha­luan ng mga Ri­sing Stars Challenge winners na hahawakan ni Wo­men’s NBA legend Can­dace Parker.

Show comments