Brown inakbayan ang Celtics sa panalo

Lumipad si Jaylen Brown ng Boston Celtics para sa kanyang one-handed slam dunk matapos umeskapo sa de- pensa ng Indiana Pacers.
STAR/ File

BOSTON - Nagpapu­tok si Jaylen Brown ng season-high 44 points, ka­­sama rito ang anim na three-pointers, para igiya ang nag­dedepensang Cel­tics sa 142-105 pagmasaker sa Indiana Pacers.

Tinapos ng Boston (23-8) ang dalawang sunod na kamalasan.

Nagtala si Jayson Tatum ng 22 points at 13 re­bounds para sa home team na nagsalpak ng 23 triples.

Tumikada si Payton Pritchard ng 18 points, 10 assists at 8 rebounds.

Naglista si Tyrese Ha­liburton ng 19 points at 9 assists, habang may 18 markers si Bennedict Ma­thurin para sa ikalawang sunod na kabiguan ng Indiana (15-17).

Kumonekta si Al Hor­ford ng back-to-back triples para sa 13-0 atake ng Celtics sa dulo ng second quarter na nagbaon sa Pa­cers sa 67-35.

Lalo pang pinalobo ng Boston ang kanilang ka­lamangan sa 38 points sa fourth quarter.

Sa New York, huma­kot si Victor Wembanyama ng 19 points, 7 rebounds at 6 blocks sa 96-87 pagda­ig ng San Antonio Spurs (16-15) sa Brooklyn Nets (12-19).

Sa Denver, bumira si Do­novan Mitchell ng 33 points, habang may 26 mar­kers si Evan Mobley sa 149-135 paggupo ng Cleveland Cavaliers (27-4) sa Nuggets (16-13).

Sa Houston, isinalpak ni Anthony Edwards ang isang step-back 3-pointer sa huling 23 segundo para sa 113-112 pagtakas ng Minnesota Timberwolves (16-14) laban sa Rockets (21-10).

Sa Phoenix, nagtala si Kyrie Irving ng 20 points sa 98-89 pagpapalubog ng Dallas Mavericks (20-11) sa Suns (15-15).

Sa Inglewood, California, nagposte si Norman Po­well ng 24 points para tulungan ang Los Angeles Clippers (17-13) sa 102-92 paggupo sa Golden State Warriors (15-14).

Show comments