Jumper ni Herro nagligtas sa Heat

ORLANDO, Fla. — Isinalpak ni Tyler Herro ang isang 19-foot jumper sa huling 0.5 segundo para sa 89-88 pag-eskapo ng Miami Heat kontra sa Magic.

Tumapos si Herro na may 20 points para tulu­ngan ang Miami (15-13) na makabangon mula sa isang 17-point deficit.

Iniskor ni Alec Burks ang 11 sa kanyang 17 points sa fourth quarter, ha­bang nagdagdag si Jaime Jaquez Jr. ng 15 points.

Bigo naman si Jalen Suggs, umiskor ng 29 points, na maipasok ang kan­yang long jumper sa pag­tunog ng final buzzer para sa Orlando (19-13).

Nagdagdag si Tristan da Silva ng 18 points at 6 re­bounds.

Ito ang ikatlong sunod na pagkakataon na naglaro ang Heat na wala si Jimmy Butler.

Sa Atlanta, bumira si Ja­len Johnson ng career-high 30 points para tulu­ngan ang Hawks (16-15) na makabalik mula sa isang 21-point deficit sa 141-133 pagdagit sa Chi­ca­go Bulls (13-18).

Sa Memphis, humakot si Jaren Jackson Jr. ng 21 points, 11 rebounds at 3 blocks at may 21 mar­­kers at 16 boards si Zach Edey sa 155-126 pag­kagat ng Grizzlies (21-10) sa Toronto Raptors (7-24).

Sa Indianapolis, dinuplika ni Shai Gilgeous-Alexander ang kanyang ca­reer high 45 points para banderahan ang Oklaho­ma City Thunder (24-5) sa 120-114 pagpapatumba sa In­diana Pacers (15-16).

Sa Washington, kumo­nekta si Jordan Poole ng isang three-pointer sa hu­ling 8.1 segundo ng laro para ga­bayan ang Wizards (5-23) sa 113-110 panalo laban sa Charlotte Hornets (7-23).

Show comments