Pinas sasandig kay Korovin

MANILA, Philippines — Desidido ang Pilipinas na masikwat ang kauna-unahang medalya ng bansa sa 9th Asian Winter Games na gaganapin sa Harbin, China sa Pebrero.

At mas lalong lumakas ang tsansa ng Team Philippines na maisakatuparan ito dahil aprubado na ang naturalization ni Russian fi­gure skater Aleksandr Korovin bilang Pilipino.

Magiging bahagi na ng Team Philippines si Korovin bilang isang naturalized athlete, ayon kay Sen. Francis “TOL’ Tolentino.

Inaprubahan ni Pangu­long Bongbong Marcos, Jr. ang Republic Act No. 12115 noong Disyembre 20 para maging opisyal na Philippine citizen si Ko­rovin.

Kapares ni Korovin ang Pinay figure skater na si Isabella Gamez kung saan ilang medalya na ang naibulsa ng dalawa.

Nakahirit ng pilak na me­dalya sina Korovin at Gamez sa Inter­national Ska­ting Union event sa France noong 2022.

 

Show comments