PHILADELPHIA — Bumira si Tyrese Maxey ng 32 points para banderahan ang 76ers sa 111-106 paggupo kay Victor Wembanyama at sa bisitang San Antonio Spurs.
Nagdagdag si Maxey ng 10 rebounds at 8 assists, habang may 19 markers si Paul George para sa Philadelphia (10-17).
Napatalsik si seven-time All-Star center Joel Embiid sa huling 2:59 minuto ng second period matapos makipagtalo kay referee Jenna Schroeder.
Humakot si Wembanyama ng 26 points, 9 rebounds at 8 blocks sa panig ng San Antonio (15-4).
Kinuha ng Spurs ang 103-102 abante mula sa baseline jumper ni Chris Paul sa huling 1:20 minuto ng fourth quarter
Nagsalpak si Maxey ng left-handed dunk at nagkumpleto ng isang three-point play para ibigay sa 76ers ang 104-103 bentahe sa nalalabing 59 segundo.
Sa New York, kumolekta si Karl-Anthony Towns ng 31 points, 10 rebounds at 7 assists para igiya ang Knicks (19-10) sa 139-125 paggiba sa Toronto Raptors (7-23).
Sa Chicago, umiskor sina Khris Middleton at Brook Lopez ng tig-21 points sa 112-91 pagsuwag ng Milwaukee Bucks (16-12) sa Bulls (13-17) kahit hindi naglaro sina Giannis Antetokounmpo at Damian Lillard.
Sa Miami, naglista si Bam Adebayo ng 23 points para tapusin ng Heat (14-13) ang three-game losing skid sa 110-95 pagsunog sa Brooklyn Nets (11-18).