Pacers kinana ang ika-4 sunod

Ang pamatay na mid-range jumper ni Pacers forward Pascal Siakam laban kay Doug McDermott ng Kings.

SACRAMENTO, Calif. — Nagposte si power for­ward Pascal Sia­kam ng 19 points at 10 rebounds at dinomina ng Indiana Pacers ang second half para patumbahin ang host team na Kings, 122-95.

Umiskor si Siakam ng 13 points matapos ang halftime kung saan nagtala ang Indiana (14-15) ng 70 points kum­para sa 43 markers ng Sacramento (13-17) matapos mag­tabla sa first half, 52-52.

May 15 points si center Myles Turner para sa visiting team na nagposte ng 35 assists..

“We brought it from start to finish,” sabi ni reserve Ben Sheppard na nagdagdag ng 14 markers. “The energy we brought, both the bench and the starters, it was a great team win.”

May 14 points din si Ty­­rese Haliburton, habang naglista si  T.J. McConnell ng 12 points at 10 assists mula sa bench.

Kumonekta ang Pa­cers ng 17 three-points para sa kanilang season-high na ikaapat na sunod na arangkada.

Nagtala si De’Aaron Fox ng 23 points para sa ika­apat na dikit na kamalasan ng Kings na nakahugot kay Domantas Sabonis ng 17 points at 21 rebounds para sa kanyang pang-wa­long sunod na double-double

Kinuha ng Indiana ang 87-78 abante papasok sa fourth quarter para kunin ang 21-point lead.

Sa Toronto, kumamada si Dillon Brooks ng 27 points, habang may 22 markers si Fil-Am Jalen Green para sa 114-110 pag­pa­pabagsak ng Houston Rockets (19-9) sa Raptors (7-22).

Ito ang unang panalo ng Houston sa Toronto sa na­karaang limang taon.

Sa New Orleans, kumo­lekta si Nikola Jokic ng triple-double na 27 points, 13 rebounds at 10 assists sa 132-129 overtime victory ng Denver Nuggets (15-11) sa Pelicans (5-25).

Show comments