Pinoy booters maninilat?

Nakalusot sa butas ng karayom at muling narating ng Philippine football team ang ASEAN Championship semifinals.

Dahil sa 1-0 shocker versus Indonesia sa kanilang sariling turf sa Surakarta, napasama ang Philippines sa Final Four picture kasama ang Vietnam, Singapore at Indonesia.

Seven-time at reigning titlist ang Thailand, four-time champion ang Singapore at two-time winner ang Vietnam sa biennial meet na unang nilaro noong 1996.

Pang-limang beses pa lang umabot ang Phl XI sa semifinals – at first time sa huling tatlong edisyon.

Umaasa si coach Albert Capellas at ang kanyang tropa na mapalawig ang pag-angat at makamit ang breakthrough kontra Thailand sa kanilang home-and-away semis matchup.

Sa Rizal Memorial Sports Complex ang unang bak­bakan sa Dec. 27. Three days later, dadayo naman ang mga Pinoy booters sa Bangkok para sa ikala­wang match.

Cumulative aggregate ang laban, at kailangan ng mga Pinoy mag-deliver ng goals.

Outstanding favorite ang Thailand na nagtala ng 14 goal difference sa elims (umiskor ng 18 at nagbigay ng apat sa kala­ban). Swabe ang opensa ng Thais na naghatid sa sweet sweep sa Group A kontra Singapore, Malaysia, Cambodia at Timor Leste.

Samatalang pawang one goal ang naiskor ng Pinas kontra Myanmar, Laos, Vietnam at Indone­sia. At nagbigay sila ng three goals.

Pero nariyan ang silat. At iyan ang puntirya ng mga Pinoy booters kontra Thais.

Show comments