Thunder tinalo ng Bucks para sa NBA cup crown

Ipinagdiwang ni Giannis Antetokounmpo at ng Milwaukee Bucks ang paghahari sa NBA Cup laban sa Oklahoma City Thunder.

LAS VEGAS — Humakot si tournament MVP Giannis Antetokounmpo ng triple-double na 26 points, 19 rebounds at 10 assists para banderahan ang Milwaukee Bucks sa 97-81 paggupo sa Oklahoma City Thunder at angkinin ang NBA Cup title.

Nag-ambag si Damian Lillard ng 23 points para sa Bucks na kumonekta ng 17 three-point shots para talunin ang Thunder.

“Everybody did their job,” sabi ni Lillard. “We defended. We played well from the start of the game all the way through the finish. I think it just showed what we’ve been building. I think it all came out in our biggest game to this point.”

Umiskor sina Brook Lopez at Gary Trent Jr. ng tig-13 markers para sa Milwaukee na sinamahan ang Los Angeles Lakers bilang kampeon ng 2-year-old event.

Tumanggap ang mga Bucks players ng premyong $514,971 bawat isa at may $205,988 naman ang mga Thunder players.

Ang pinakawalang 19-5 atake ng tropa ni Ante­to­kounmpo sa second half ang nagpalobo sa kanilang 19-point lead sa kaagahan ng fourth period na hindi na naputol ng Oklahoma City.

“It’s great, it’s great for our team,” wika ni Anteto­kounmpo. “We’re getting better. ... We know we’re leaving Vegas as a better team. I’m so proud of this group. Man, I’m so proud of this group.”

Pinamunuan ni Shai Gilgeous-Alexander ang Thunder sa kanyang 21 points habang may 18 markers si Jalen Williams.

Kumolekta si Isaiah Hartenstein ng 16 points at 12 rebounds para sa Oklahoma City.

Show comments