Cagulangan pumirma na sa Korean League

MANILA, Philippines — Nasa kukote ni two-time UAAP champion JD Cagulangan na maglaro sa Philippine Basketball Association, (PBA) o sa MPBL dahil ito ang kanyang prayoridad.

Pero ayaw ni Cagulangan na palampasin ang pagka­kataong makapaglaro sa Korean Basketball League (KBL) kaya naman pumirma na ang Finals Most Valua­ble Player sa koponan na Suwon KT Sonicboom.

Inakbayan ni Cagulangan ang University of the Phi­lippines (UP) Fighting Maroons sa 66-62 Game 3 victory laban sa last season champion De La Salle University (DLSU) Green Archers para maging kampeon sa Season 87 ng University Athletic Association of the Philippines (UAAP) men’s basketball competition.

Ang squad na lalaruin ng 24-anyos na si Cagulangan ay ang koponang pinaglaruan din dati ni Dave Ildefonso.

Muling magku-krus ang landas nina Cagulangan at two-time UAAP MVP Kevin Quiambao dahil inanunsyo ng huli, isang araw pagkatapos ng winner-take-all finals Game 3, na tutungo din siya sa Korea para maglaro sa Goyong Sono Skygunners.

Show comments