Millora-Brown bumuo ng pamilya sa UP

MANILA, Philippines — Bagama’t kaagad nag­­tapos ang kanyang pag­lalaro para sa bagong UAAP champions na University of the Philippines, itinuturing na ni Quentin Millora-Brown ang kanyang mga teammates at coa­ches bilang pamilya.

“These friendships are friendships that are for life. Similar to my move to join UP to continue my fa­mily’s legacy, I’ve now gained another family of my own with these guys,” sabi ng 6-foot-10 Fil-Am.

Ang krusyal na dalawang free throws ni Millora-Brown sa huling 11.3 segundo ng fourth quarter ang nagbigay sa Fighting Maroons ng 66-62 panalo kontra sa La Salle Green Archers sa Game Three ng Season 87 UAAP men’s basketball championships.  

 

Show comments