Punitan ng script

Mababago ba ng UP Maroons ang script o mauulit ang masakit na pangyayaring naranasan sa UAAP finals last year?

Nagawa nilang ulitin ang pagsungkit ng finals opener sa harap ng 16,202 fans sa Smart Araneta Coliseum last Sunday.

At kasama ng kanilang 73-65 Game One win ang naisin burahin sa kanilang alaala ang pagtiklop at pagkabigo sa susunod na dalawang laro pagkatapos kunin ang 1-0 series lead last year.

Ngayong gabi ang Game Two sa MOA Arena sa Pasay City at ayaw ng Fighting Maroons na mangampante dahil gusto nilang matapos ang series na tangan ang korona.

“The series doesn’t end with just Game One, so we’ll go back and prepare because, of course, La Salle will adjust to what we’re doing,” ani JD Cagulangan. “We’ll always be ready for whatever challenges we’ll face in Game 2.”

Nakatuon ang atensyon kay Kevin Quiambao, at ang katanungan eh kung patuloy siyang mahihinto ng Maroons o makakawala sa depensa at magpapasabog upang dalhin ang serye sa deciding Game Three.

Limitado sa one point ang La Salle hotshot sa se­cond half noong Game One matapos paghalinhinan sa depensa nina Reyland Torres, Harold Alarcon, Francis Lopez, Aldous Torculas at Jacob Bayla.

Nadiyeta sa possession. At kung makatangan man ng bola, agad dumadating ang trap ng Maroons.

Kung nais ng Maroons baguhin ang script ng UAAP finals last year, nais naman punitin ng Green Archers ang script ng Game One last Sunday.

Show comments