Nuggets tumukod sa Wizards

WASHINGTON — Tinapos ng Wizards ang 16-game losing slump matapos talunin ang Denver Nuggets, 122-113.

Nagpasabog si Jordan Poole ng team-high 39 points tampok ang siyam na three-point shots para pamunuan ang Washington (3-18) habang may 23 markers si Justin Champagnie at naglista si Jonas Valanciunas ng 20 points at 12 rebounds.

Nasayang naman ang 56 points, 16 rebounds at 8 assists ni Nikola Jokic para sa Denver (11-10) na nag­laro na wala sina injured Jamal Murray (hamstring), Aaron Gordon (calf) at Dario Saric (ankle).

Inagaw ng Wizards, hindi nakuha ang serbisyo nina injured Kyle Kuzma, Malcolm Brogdon at Saddiq Bey, ang 69-57 halftime lead bago ibaon ang Nuggets sa 13-point deficit sa fourth period.

Sa New York, tumipa si Cade Cunningham ng triple-double na 29 points, 15 assists at 10 rebounds sa 120-111 panalo ng Detroit Pistons (10-15) sa Knicks (14-9).

Sa New Orleans, nagtala si Shai Gilgeous-Alexander ng 31 points at may 27 markers si Jalen Williams sa 119-109 paggupo ng Oklahoma City Thunder (18-5) sa Pelicans (5-19).

Show comments