Ika-2 sunod target ng Capital1

MANILA, Philippines — Pupuntiryahin ng Ca­pital1 Solar Energy ang ikalawang sunod na rat­sada sa pagagupa sa minamalas na Galeries To­wer sa 2024-2025 Premier Volleyball League (PVL) All-Filipino Confe­rence.

Lalabanan ng Solar Spi­kers ang Highrisers nga­yong alas-6:30 ng gabi matapos ang banggaan ng Cignal HD Spi­kers at Nxled Chameleons sa alas-4 ng hapon sa Minglanilla Sports Com­plex sa Cebu City.

Galing ang Capital1 sa 21-25, 25-21, 25-15, 25-18 pagdaig sa Nxled para sa kanilang 1-3 baraha.

“Mas kailangan pa po naming mas maging con­sistent sa ginagalaw na­min sa loob ng court and mas kalangan pa po namin ipakita ‘yung tapang namin sa loob ng court,” ani Heather Guino-o na pumalo ng 21 points sa nasabing panalo.

Nakalasap naman ang Galeries Tower ng 22-25, 16-25, 19-25 kabiguan sa ZUS Coffee para sa 0-4 mar­ka.

Sa unang laro, target ng Cignal ang kanilang ika­apat na sunod na pa­nalo para ma­solo ang li­derato sa pagsagupa sa Nxled.

Huling biniktima ng HD Spikers ang Choco Mu­cho Flying Titans, 25-18, 25-18, 20-25, 25-22, para sa kanilang ikatlong dikit na arangkada.

Talo naman ang Chameleons sa Solar Spikers, 25-21, 21-25, 15-25, 18-25, sa huli nilang laban.

Show comments