18 teams tumanggap ng incentives sa Shakey’s

Ibinigay ni Shakey’s Pizza Ventures Inc. general manager Oliver Sicam (kanan) ang tseke kay NU La­dy Bulldogs’ coach Sherwin Meneses (gitna).

MANILA, Philippines — Limpak-limpak na salapi ang natanggap na insentibo ng 18 koponan mula sa UAAP at NCAA mula sa Shakey’s Super League (SSL) at Shakey’s Pizza Asia Ventures Inc. (SPAVI) matapos ang ma­tagumpay na 3rd Collegiate Pre-Season Championship.

Umabot sa tumatagin­ting na P13,936,050 ang na­ipon ng Shakey’s na si­yang pi­nakamalaki sa kasaysayan at pinaghati­an ng mga koponan.

Matatandaang umabot lang sa P11 milyon ang nalikom ng liga sa inaugural season at P8 milyon sa ikalawang season.

Pinakamalaki ang na­bingwit ng Arellano Uni­versity na P1,759,358 para sa kinakailangang pondo na magpapalakas hindi lang sa volleyball kundi pati sa buong sports programs nito.

Isa ang pagtulong sa sports programs ng mga kalahok na koponan ang adhikain ng Shakey’s sa pagtatayo ng SSL.

Pormal na iginawad ito ng Shakey’s sa Malate branch sa pangunguna nina SPAVi general ma­nager Oliver Sicam, Athletic Events and Sports Management (ACES) CEO Dr. Philip Juico at president Dr. Ian Laurel.

Naipon ito ng Sha­key’s para sa mga kopo­nan mula sa P50 na do­­nasyon ng kada fan, pa­­milya, estudyante o sim­pleng customer sa kan­­yang napiling school sa kada order ng SSL bundle promo.

Sumegunda ang Jose Ri­zal (P912,008) kasu­nod ang College of St. Benilde (P896,758), Letran (P855,908), Emilio Aguinaldo College (P814,008, San Beda (P813,008), San Sebastian (P730,458), Ma­pua (P724,408), Adam­son (P718,908), Ate­­neo (P701,958), Univer­sity of the Philippines (P701,908), La Salle (P651,908), Lyce­um (P646,008), Perpe­tu­al Help (P657,358), Natio­nal University (P652,708), Universi­ty of Santo Tomas (P616,808),University of the East (P536,058) at Far Eastern Uiversity (P526,758).

Show comments