MANILA, Philippines — Isang panalo lang ang kailangan ng Mapua University at College of St. Benilde para makapasok sa NCAA Season 100 men’s basketball championship series.
Bitbit ang ‘twice-to-beat’ advantage sa Final Four, haharapin ng No. 1 Cardinals ang No. 4 Lyceum Pirates ngayong alas-11 ng umaga kasunod ang pagsagupa ng No. 2 Blazers sa nagdedepensa sa titulo at No. 3 San Beda Red Lions sa alas-2:30 ng hapon sa Cuneta Astrodome sa Pasay City.
Isinara ng Mapua ang eliminations tangan ang 15-3 record kasunod ang St. Benilde (14-4) San Beda (10-8) at Lyceum (10-8).
Hindi binabalewala ng Cardinals ang Pirates.
Winalis naman ng Blazers ang Red Lions sa kanilang dalawang pagkikita sa eliminations.