Crossovers sumemplang sa HD Spikers

Pinaluan ni Ces Molina ng Cignal HD sina Aby Maraño at Alina Bicar ng Chery Tiggo.
PVL photo

MANILA, Philippines — Hinataw ng Cignal HD ang ikalawang sunod na panalo para sumosyo sa liderato ng 2024-25 Premier Volleyball League (PVL) All-Filipino Conference.

Pinatumba ng HD Spi­kers ang Chery Tiggo Crossovers, 25-19, 20-25, 25-18, 25-21, kahapon sa FilOil EcoOil Centre sa San Juan City.

Pumalo si Ces Molina ng 13 points kasunod ang tig-12 markers nina Vanie Gandler at Riri Meneses para itabla ang Cignal sa PLDT Home Fibr at Akari sa itaas ng team standings sa magkakatulad nilang 2-0 record.

May 20 excellent sets si Gel Cayuna bukod sa siyam na puntos.

Bigo ang Chery Tiggo na makasosyo sa liderato sa kanilang 1-1 baraha.

Bukod sa opensa ay naging maganda rin ang depensa ng HD Spi­kers kontra sa Crossovers sa pangunguna ni libero Dawn Macandili-Catindig.

“Siyempre, very important for us, sa confidence ng team at mababaon namin ito sa susunod pa naming mga games,” ani Macandili-Catindig na nagtala ng 23 excellent digs at anim na excellent receptions.

Kinuha ng Cignal ang first set, 25-19, bago nakatabla ang Chery Tiggo sa second frame, 25-20, sa pangunguna nina Ara Galang at Seth Rodriguez.

Naagaw ng HD Spi­kers ang 2-1 bentahe sa pagbibida nina Molina at Gandler bago inilista ng Crossovers ang 10-4 kalamangan sa fourth frame.

Unti-unting nakaba-ngon ang Cignal at nakuha ang 22-20 kalamangan mula sa service ace ni Judith Abil patungo sa 25-21 pagdispatsa sa Chery Tiggo na nakahugot kay Galang ng 13 points.

Show comments