Westbrook gumawa ng NBA history

Sinagasaan ni Nuggets guard Russell Westbrook si Grizzlies forward Jake LaRavia.

MEMPHIS, Tenn. — Hinirang si veteran point guard Russell Westbrook bilang unang NBA player na nagposte ng 200 triple-doubles.

Tumapos si Westrbook na may 12 points, 10 rebounds at 14 assists sa 122-110 NBA Cup play win ng Denver Nuggets laban sa Grizzlies.

Umiskor si Jamal Murray ng 27 points, samantalang naglista si Michael Porter Jr. ng 24 points at 10 re­bounds para sa Denver (8-7).

Pinamunuan ni big man Santi Aldama ang Memphis (8-7) sa kanyang 28 points.

Sa Boston, tinapos ng nagdedepensang Celtics (12-3) ang ratsada ng Cleveland Cavaliers (15-1) nang agawin ang 120-117 panalo.

Sa Dallas, tumipa si Luka Doncic ng game-high 26 points sa 132-91 pagmasaker ng Mavericks (8-7) sa New Orleans Pelicans (4-11).

Show comments