UE tangka ang krusyal na panalo

MANILA, Philippines — Pakay ni Jack Cruz-Dumont at ng University of the East na kalsuhan ang three-game losing streak pagharap nila sa Ateneo de Manila University sa UAAP Season 87 collegiate men’s basketball tournament na lalaruin sa UST Quadricentennial Pavilion ngayong araw.

Magsisimula ang bakbakan ng UE at Ateneo sa alas-6:30 ng gabi pagkatapos ng labanan sa pagitan ng defending champion De La Salle University at National University sa alas-2 ng hapon.

Kailangan ng Red Warriors na masilo ang panalo upang mapalakas ang tsansa na makausad sa Final Four pagkatapos ng 14-game elimination round.

Tangan ang 6-6 karta, nasa tersero puwesto ang UE sa team standings pero hindi pa sila sigurado sa magic four dahil nasa likuran nila ang University of Sto. Tomas na may 6-7 card at nasa pang-lima ang Adamson University na may 5-7 record.

Maliban kay Cruz-Dumont, huhugot din ng puwersa ang Recto-based squad kina Wello Lingo­lingo at Devin Fikes para makuha ang importanteng panalo.

 

Show comments