PVL AFC hahataw ngayon

Nagsama-sama ang mga players, coaches at officials ng PVL at PNVF.
Russell Palma

MANILA, Philippines — Hahataw ngayon ang inaabangang 2024-2025 Premier Volleyball League (PVL) All-Fili­pino Conference tampok ang dalawang laro sa Philsports Arena sa Pa­sig City.

Magtutuos ang Akari at Galeries Tower sa alas-4 ng hapon kasunod ang banatan ng Choco Mucho at Petro Gazz sa alas-6:30 ng gabi.

Idedepensa ng Creamline Cool Smashers ang ka­nilang koronang napa­nalunan laban sa Flying Titans.

Sisimulan ng Cool Sma­shers ang pagtatanggol sa korona sa Nob­yembre 16 kontra sa Gazz Angels.

Isasalang ng Chargers sina Ivy Lacsina, Ced Do­mingo, Faith Nisperos at Fifi Sharma katuwang sina Gretchel Soltones at Michelle Cobb.

Bigo ang koponan na masilat ang Cool Sma­shers sa nakaraang PVL Re­inforced Conference Finals.

Sina Grazie Bombita at Jewel Encarnacion ang aasahan naman ng Highrisers tampok si top rookie Julia Coronel na miyembro ng Alas Pilipinas.

Samantala, muli na mang babanderahan nina veterans Sisi Rondina, Royse Tubino, Dindin Manabat at ang nagbaba lik na si Kat Tolentino ang Flying Titans kontra kina Jonah Sabete, Aiza Pontillas at MJ Phillips ng Gazz Angels

Samantala, nagpaalam na si Risa Sato sa Cool Sma­shers matapos ang anim na taong paglalaro.

Wala pang pahayag ang 30-anyos na middle blocker kung saan lilipat.

Show comments