WASHINGTON — Humugot si Stephen Curry ng 16 sa kanyang 24 points sa second half sa pagbabalik niya mula sa ankle injury para giyahan ang Golden State Warriors sa 125-112 panalo sa Wizards.
Inilista ng Golden State (6-1) ang kanilang three-game winning streak nang wala si Curry na nagsalpak din ng apat na three-point shots.
Nag-ambag si Buddy Hield ng 20 points kasama ang tatlong triples habang may 18, 15 at 12 markers sina Draymond Green, Jonathan Kuminga at Trayce Jackson-Davis, ayon sa pagkakasunod.
Pinamunuan ni Jordan Poole ang Washington 2-4) sa kanyang 24 points, samantalang hindi naglaro sina Kyle Kuzma (right groin strain) at Marvin Bagley III (illness).
Ang buzzer-beating triple ni Curry ang nagbigay sa Warriors ng 54-45 halftime lead bago makalayo sa Wizards sa 106-96 sa fourth quarter.
Sa Atlanta, kumamada si Jayson Tatum ng 28 points para igiya ang nagdedepensang Boston Celtics (7-1) sa 123-93 paggupo sa Hawks (3-5).
Sa Oklahoma City, umiskor si Jalen Williams ng 23 points at may 21 markers si Shai Gilgeous-Alexander sa 102-86 pagpapatumba ng Thunder (7-0) sa Orlando Magic (3-5).
Sa Cleveland, bumira si Darius Garland ng 39 points sa 116-114 pagtakas ng Cavaliers (8-0) sa Milwaukee Bucks (1-6) na naglaro na wala si injured superstar Giannis Antetokounmpo.