Hawks tinapos ang 4-game losing slump

Sina (gitna) PNVF president Ramon Suzara at PVL chief Richard Palou kasama ang mga officials sa press conference.

NEW ORLEANS — Bu­manat si Jalen Johnson ng 29 points at tinapos ng Atlanta Hawks ang isang four-game losing skid mula sa 126-111 pagpulutan sa Pelicans.

Nagdagdag si Trae Young ng 23 markers para sa Atlanta (3-4), habang may 16 at 14 points sina Dy­son Daniels at Larry Nance Jr., ayon sa pagka­kasunod.

May injury sina star­ter De’Andre Hunter at ro­ta­tion players Bogdan Bogdanovic, Vit Krejci at Kobe Bufkin.

Hindi naglaro si star for­ward Zion Williamson para sa New Orleans (3-4) dahil sa kanyang right hamstring injury kasama sina starters Dejounte Murray, CJ McCollum at Herb Jones at reserve Trey Murphy III.

Pinamunuan ni Brandon Ingram ang Pe­licans sa kanyang 32 points, ngunit hindi ito sa­pat para talunin ang Hawks na may anim na pla­yers na may umiskor ng hindi baba­ba sa 11 points.

Isang 14-0 bomba ang inihulog ng Atlanta sa git­na ng fourth quarter para iwanan ang New Orleans sa 116-97.

Tampok dito ang three-point shot ni David Roddy at tatlong slam dunks ni Johnson.

Sa Dallas, kumolek­ta si Luka Doncic ng 32 points, 9 rebounds at 7 assists para banderahan ang Mave­ricks (4-2) sa 108-85 paggupo sa Orlando Magic (3-4).

Nag-ambag si Daniel Gafford ng season-high 18 points para sa Dallas

Sa New York, tumipa si Cade Cunningham ng 19 points sa 106-92 panalo ng Detroit Pistons (2-5) sa Brooklyn Nets (3-4).

May tig-18 markers si­na Tobias Harris at Malik Beasley.

Show comments