MANILA, Philippines — Inilabas ng Team Asia ang buong bagsik nito para maibulsa ang korona sa kauna-unahang Reyes Cup na ginanap sa Ninoy Aquino Stadium sa Malate, Manila.
Nagawa ito ng Team Asia matapos patumbahin ang Team Europe sa three-day meet.
Kumuha ng lakas ang Team Asia sa suporta ng Pinoy fans na nanood sa venue.
Sa huling araw ng bakbakan, tinalo ni Aloysius Yapp ng Singapore si Francisco Sanchez Ruiz ng Spain sa pamamagitan ng 5-1 desisyon.
Itinanghal si Yapp bilang tournament MVP.
“MVP is not just for me. It’s for all my team-mates as well. Even Efren because he’s the best coach you could ever ask for,” ani Yapp.
Kasama ni Yapp sa Team Asia sina Johann Chua, Carlo Biado, Ko Pin Yi ng Chinese-Taipei at Duong Quoc Hoang ng Vietnam.