RHJ-JB III?

Kahit anong match-up ay patok na ending sa 2024 PBA Governors’ Cup – TNT-Barangay Ginebra, TNT-San Miguel Beer, Rain or Shine-Ginebra or Rain or Shine-San Miguel.

Pero mukhang pinaka-patok ang Tropang Giga versus Gin Kings.

Dahil hindi lang ito rematch ng 2023 Governors’ Cup finals. Grudge match din ito sa pagitan ng dalawang premyadong imports.

Winner si Rondae Hollis-Jefferson sa kanilang unang PBA title showdown, pero kay Justin Brownlee ang tagumpay sa kanilang gold-medal showdown sa Hangzhou Asian Games.

Kaya’t hinihintay ng marami ang RHJ-JB III

Namumuro na sina Hollis-Jefferson at Tropang Giga kontra Aaron Fuller at Elasto Painters, 3-1, sa kanilang serye, samantalang tabla sa 2-2 ang sagupaang Ginebra-San Miguel.

Hindi mababa ang kalibre nina Fuller at EJ Anosike ng SMB.

Mas nakakakiliti nga lamang ang matchup nina Hollis-Jefferson at Brownlee dahil sa kanilang rivalry.

Mas matindi sa long court si Brownlee, pero mas malupit sa atake si Hollis-Jefferson.

Kanino kayo?

Show comments