KQ aasahan ng Archers

MANILA, Philippines — Walang duda na si reigning MVP Kevin Quiambao ang pangunahing sasandalan ng De La Salle University sa tangka nitong madepensahan ang kanilang korona sa UAAP Season 87 men’s basketball tournament.

Pinatunayan na naman ni Quiambao ang bagsik nito matapos dalhin ang La Salle sa dikdikang 78-75 panalo laban sa Na­tional University upang matamis na makuha ang kanilang unang panalo.

Alam ni Quiambao ang role nito sa Green Archers.

Kaya naman siniguro nitong hindi babagsak ang kanilang tropa.

Nakalugmok sa 64-71 ang La Salle sa huling li­mang minuto ng laban.

Agad na rumesponde si Quiambao nang magpakawala ito ng matatalim na atake kabilang ang tres sa huling 10 segundo ng la­ban para makuha ng Green Archers ang panalo.

Pinoint out ko lang sa sarili ko na kailangan kong mag-takeover mode, so ang ginawa ko lang ay naging glue guy lang ako ng team then good thing naman pumasok ‘yung tira ko,” ani Quiambao.

 

Show comments