Pacman binati ang tagumpay ni Yulo

MANILA, Philippines — Isa si world champion Manny Pacquiao mga nagpaabot ng pagbati sa kapwa world champion na si Carlos Yulo na bumanat dalawang golds sa Paris Olympics.

Nag-share si Pacquiao ng kaniyang congratulatory message sa kaniyang mga social media accounts kung saan pinuri nito ang PInoy gold medalist sa matikas na kampanya nito sa Paris.

Proud si Pacquiao sa ibinigay na karangalan sa bansa ni Yulo.

“Congratulations on winning the gold medal at the Paris Olympics. Your hard work and talent have made our country so proud. Keep pushing forward and inspiring others,” ani Pacquiao.

Nakasungkit ng dalawang gintong medalya si Yulo sa men’s artistic gymnastics kung saan pinagharian nito ang men’s floor exercise at men’s vault.

Unang umariba si Yulo sa floor exercise nang magtala ito ng 15.000 puntos para talunin sina Artem Dolgopyat ng Israel na may 14.966 points at Filipino-British Jake Jarman na umiskor ng 14.933 points.

Sinundan ito ni Yulo ng isa pang ginto sa men’s vault tangan ang 15.116 points matapos pataubin sina silver medalist Artur Davtyan ng Armenia (14.966) at bronze medalist Harry Hepworth ng Great Britain (14.949).

Show comments