Howard nasa bansa na naman

MANILA, Philippines — Nasa bansa na naman si dating NBA star Dwight Howard na mainit na ti­nanggap ng mga Pinoy fans sapul pa nang luma­pag ito sa Ninoy Aquino International Airport.

Inihayag ng NBA Slam Dunk king ang kanyang pagdating sa mga social media accounts.

“Manila I’m back! Meet me at the airport now,” ani Howard.

Bumisita si Howard sa bahay ni businessman Cha­vit Singson sa Ilocos Sur kung saan namangha ito sa ipinakitang mga gold bars ng negosyante.

Nakatakda ring bisitahin ni Howard ang Kalibo, Aklan ngayong araw para sa meet and greet kasama ang mga local fans doon.

Idaraos ang programa sa Andagao Covered Court.

Show comments