Ubas pumitas ng gold sa Thailand Open

Janry Ubas.
Philstar.com / File

MANILA, Philippines —  Nakahirit ang mga Pinoy tracksters ng isang ginto at isang pilak na medalya sa Thailand Open Track and Field Championships sa Pathum Thani.

Nakasiguro si Janry Ubas ng gintong medalya sa men’s long jump upang mapalakas ang tsansa nitong makapasok sa Paris Olympics sa Hulyo.

Naglagak si Ubas ng 7.51 metro distansiya para talunin sina Wen Hua-Yu ng Chinese-Taipei (7.41m) at Wong Pak Hang ng Hong Kong (7.37m).

Kailangan ni Ubas na makapasok sa Top 32 sa world rankings upang makahirit ng tiket sa 2024 Paris Games kung saan siya nakaupo sa ika-42 posisyon.

Sumiguro naman si Leonard Grospe ng pilak na me­dalya sa men’s high jump kung saan winasak nito ang kanyang sariling national record.

Show comments