Dead heat.
Iyan ang finish ng malaking grupo ng mga koponan sa likuran ng breakaway leader San Miguel Beer at second-placer Barangay Ginebra sa pagtatapos ng PBA Philippine Cup single-round robin elims.
Tabla sa tersera na may pare-parehong 6-5 record ang Meralco, TNT, Rain or Shine, NLEX at Magnolia.
Nabuo ang malaking logjam sa mga crucial wins ng TNT at NLEX kontra Magnolia at Ginebra sa huling araw ng elims noong Linggo sa Ninoy Aquino Stadium.
Quotient system ang nagbiyak ng tabla, at naiwang nakabitin ang labanan ng NorthPort at Terrafirma para sa huling quarterfinals berth.
Knockout setto ang magdedetermina ng kanilang laban sa Miyerkules sa Ninoy Aquino Stadium.
Pero ika nga ng halos lahat: They’re as good as dead.
Dahil mula sa sudden death, ang mananalo sa NorthPort-Terrafirma tiff eh, kakailanganing talunin ang top seed SMB ng dalawang sunod upang muling makausad sa torneo.
Ito ay masikip na butas na naiwasan ng Tropang Giga na daanan sa paghugot ng 98-93 panalo kontra Hotshots.
Tumapos na fourth seed ang TNT at haharapin ang Rain or Shine sa best-of-three quarters face-off.
Sa kanilang talo, nabaon sa seventh seed ang Magnolia na haharapin naman ang twice-to-beat second seed Ginebra. Araguy!
Ang isa pang best-of-three matchup eh, ang No. 3 Meralco kontra No. 6 NLEX.
Sisipa ang playoffs sa Biyernes.