Given na powerhouse ang San Miguel Beer at mahirap banggain.
Pero maaaring dumating ang pagbagsak ng laro dahil sa sobrang tiwala, pagkakampante o pagkakanya-kanya.
Kung may concern si San Miguel coach Jorge Gallent, ito ay ang tendency ng mga Beermen na mag-relax.
At ang giit lagi ni Gallent: “We have to play 48 minutes of basketball.”
Paano nila pinapanatili ang kanilang competitive edge?
Ang sagot ni CJ Perez: Bugbugan sa ensayo.
At eto ay gigantic showdown, imagine ang salpukan nina June Mar Fajardo kontra Moala Tautuaa, Perez versus Jeron Teng, Terrence Romeo kontra Jericho Cruz, Marcio Lassiter versus Chris Ross at Don Trollano kontra Vic Manuel.
Determinado silang palawigin ang arangkada sa mithiing makuha ang playoffs top seeding at siyempre, ang tsansang makuha ang PBA crown jewel.
Kung hindi mawiwindang, maaaring makuha ang season sweep – bagay na huling nakita sa liga noong 2013 grand slam run nina James Yap at San Mig Coffee teammates.
Seven-zero ang San Miguel at susubukang iselyo ang Top 2 spot sa pakikipagharap sa Magnolia ngayong gabi sa Smart Araneta Coliseum.
Kung magmintis, nariyan pa ang tsansa kontra NLEX, Blackwater at Meralco sa kanilang huling tatlong laro.