Madaming nag-react sa joke ng retired NBA player na si Charles Barkley kay TNT reporter Chris Haynes tungkol sa katotohanang wala pang Pinoy na nada-draft sa NBA.
Sabi kasi ni Haynes, “I was the MVP in a Filipino league that I’m in. I’m not Filipino, but I’m a guest.”
“No disrespect. I know I’m going to get in trouble to ask this question. How many Filipinos have been drafted in the NBA?” tanong ni Barkley at nagkatawanan.
Well, natural, maraming Pinoy basketball fans ang nasaktan at nag-react.
Binalikan ng mga Pinoy commenters si Barkley na nakalaro nga sa NBA pero wala naman championship.
Pero teka…. May mali ba sa sinabi niya? Talaga namang wala pang pumapasok na purong Pinoy sa NBA. Wala pa talaga.
‘Yung inaasahan nating 7-foot-3 na si Kai Sotto, ayun, nasa Japan na naglalaro.
After ni Sotto, sino ang next na pag-asa nating tutupad sa pangarap nating homegrown Pinoy sa NBA?
Hindi ba dapat gawin nating motivation ‘to?
Hindi rin ako natuwa na ginawa tayong katatawanan, kaso ‘the truth hurts eh.’