Magandang balanse

Kung wala lang magbabaklas ng bahay, matibay na ang pundasyon ng mas balanseng liga na maghahatid ng mas magandang mga laro.

Halfway ng PBA Philippine Cup elimination round, iyan ang nakikita sa team standings.

Mahirap pa ring talunin ang dominanteng San Miguel Beer, pero lumalaban ang mga gaya ng NLEX, NorthPort, Terrafirma at Blackwater.

Nabawasan ang sobrang predictable na mga laro.

Ang tanong lang eh, hanggang kailan panghahawakan ng mga “master traders” ang kanilang mga batang alas.

Para sa mga PBA old timers, masarap balikan ang late 80s hanggang 90s kung saan walang kasigurahan ang resulta ng mga bakbakan ng Ginebra, Shell, Alaska Milk, Manila Beer, Tanduay (hanggang maging Purefoods) at Presto (na naging Sta. Lucia).

Nagbunsod ito sa dagsa ng mga tao sa Ultra (PhilSports Arena ngayon) kahit na sa pagkawala ng Crispa-Toyota rivalry.

Kung maaalagaan ang prinsipyo ng rookie draft, siguradong patungo ito sa mas balanseng liga at balanseng resulta ng mga laro.

Kung mananatili ang mga gaya nina Stephen Holt, Isaac Go, Javi Gomez De Liano, Rey Nambatac at Rey Suerte sa kanilang mga kasalukuyang koponan, maa­aring magdiretso ang mga quality games.

Mababawasan ang lopsided games kung mawawala ang lopsided trades.

Show comments