Mula sa pagiging Three-Point King, nagbigay si Calvin Oftana ng foul na nagbunsod sa “five-point” play ni Robert Bolick na pag-uusapan sa mahabang panahon.
Kung hindi sa foul na iyon, Three-Point King at All-Star winner si Oftana.
Kaya nga lamang, nangyari ang unnecessary foul at nakahugot si Bolick ng classic five-point play (four points mula sa All-Star extended three-point line plus free throw) at natapos ang 2024 PBA All-Star Game sa Bacolod City na tabla, 140-all, noong nakaraang gabi.
Biglang All-Star legend si Bolick at naiwan sa background ang sana ay winner na Team Japeth, kasama si Oftana.
Binansagan ni coach Tim Cone ang momentous moment na “legendary play” na maihahanay sa winning play nina Robert Jaworski at Ramon Fernandez noong 1989 All-Stars.
Ani Cone, biniro niya si Calvin na ginawa niyang legend si Bolick.
Kasi nga naman ay panalo na ang Team Japeth. Panalo sila kung hinayaan na lang ni Oftana ang four-point play ni Bolick.
Pero walang panghihinayang si Cone dahil nauwing klasiko ang laban na tunay na nagpasaya sa mga fans.
Natapos na sobrang memorable ang 2024 PBA All-Star festivities sa Bacolod.