5th straight win sa Knicks

NEW YORK — Humataw si OG Anunoby ng 23 points para gabayan ang Knicks sa pang-limang sunod na panalo mula sa 112-84 pagpapabagsak sa Portland Trail Blazers.

Kumolekta si Julius Randle ng 20 points, 8 assists at 7 rebounds para sa New York (22-15) na nakahugot kina Quentin Grimes at Miles McBride ng 17 at 16 markers, ayon sa pagkakasunod.

Pinamunuan ni Jerami Grant ang Portland (10-26) sa kanyang 21 points kasunod ang 12 markers ni Anfernee Simons.

Umiskor si Anunoby ng 16 points sa first quarter kung saan nagposte ang Knicks ng isang 19-point lead na kanilang pinalobo sa 39 markers sa third quarter na hindi na napababa ng Blazers.

Sa Dallas, kumamada si Desmond Bane ng 32 points para akayin ang Memphis Grizzlies (14-23) sa 120-103 pagsapaw sa Mavericks (22-16).

Sa Orlando, hinugot ni Karl-Anthony Towns ang 23 sa kanyang 28 points sa first half para giyahan ang Minnesota Timberwolves (26-10) sa 113-92 panalo sa Magic (21-16).

Show comments